Category: Uncategorized
Fear-Short Story
Isang mahabang araw nanaman ang natapos, nakauwi na ‘ko, nakahiga at nag-nanais nang magpahinga. Biglang sumagi sa isip ko, saan nga ba napupunta ang mga taong lumilisan sa mundo? Ito ang katanungang hanggang ngayon ay wala pading kasagutan. Hindi ko na mapigilan, sumagi na isip ko ang kamatayan. Isang bagay na hindi natin maiiwasang lahat. Gustuhin man natin o sa hindi, doon at doon pa rin ang bagsak natin. Sadyang ganoon nga lang ang buhay; may nauuna, may nahuhuli. Inisip kong mabuti, ano nga bang mas mainam? Ang maiwan? O lumisan? Habang palalim nang palalim ang gabi lalo akong hindi mapakali. Kinakausap ko ang sarili ko na wariy may ibang tao sa harap ko. “Anong gagawin mo kapag namatay yung mga taong mahal mo?”, tanong ko sa sarili. “Sumunod ka”, sabi ng boses mula sa loob ng kwarto ko. Kinilabutan ako sapagkat mag-isa lang ako. Pinilit kong tanggalin ang takot at magtanong muli. “Sino ka at bakit ka nandito?” pabulong kong binanggit. “Ako lang naman ang susundo sayo kapag oras mo na” sagot naman nito saakin. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Bigla kong hindi maigalaw ang katawan ko, dito ko na namalayang nananaginip na pala ako. Nagpakita nang tuluyan ang boses na kausap ko. Unti-unting nagbago, nakita ko na ang sarili ko, mamamatay na at naghihingalo. Pinilit kong tawagin ang boses at humingi ng tulong. “Iligtas mo ‘ko! Ayoko pang lumisan sa mundong ito!”. Paulit-ulit ko itong sinasambit habang pinapanood kong unti-unting mamatay ang sarili ko. “Wag mo na kong tawagin dahil konting panahon nalang ay makakasama nadin kita” yun ang huling kataga na narinig ko mula sa boses nayon. Nagising nako mula sa panaginip ko at namalayang late nako para sa oras ng trabaho ko. Kumilos ng mabilis at umalis. Nagtataka at nag-iisip padin tungkol sa nangyari kagabi. Ngunit napatigil ako nung nakita kong nagkukumpulan yung mga tao, sumilip at tinignan ko kung ano ito. Nakita ko yung katawan ko parehas ng nasa panaginip ko. Wala ng buhay habang nakahandusay. Duon ko namalayan patay na pala ako
The Journey Begins
Thanks for joining me!
Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton
